^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag gawing evacuation centers ang eskuwelahan

Pang-masa

Sa Hunyo 8, 2026 magbubukas ang klase para sa public schools sa buong bansa. Tiyak, problemado na naman ang Department of Education (DepEd) dahil sa kakulangan ng classrooms. Taun-taon, ganito lagi ang problema ng DepEd—kapos sa classrooms. Hindi na nagkaroon ng kalutasan ang problemang it.

Sa mga nakaraang pagbubukas ng klase, kara­niwan na ang tanawin na mayroong nagdaraos ng klase sa lobby ng school, sa comfort room na ginawang classroom at mayroong nagkaklase sa ilalim ng punongkahoy. Posibleng mangyari na naman ang senaryong ito kung hindi makagagawa ng paraan ang pamahalaan. Malaking problema para sa mga estudyante ang pagsisiksikan sa classroom. Malaki ang epekto sa paglinang ng karunungan ang classroom na parang nagsisiksikang sardinas.

Ayon sa report, tinatayang 145,000 classrooms ang kulang sa buong bansa. Bukod sa classroom shortages, malaki rin ang kakulangan sa public school teachers. Ayon sa DepEd, patuloy naman ang paggawa ng mga karagdagang eskuwelahan subalit nagkukulang pa rin dahil sa mabilis na pagdami ng mga estudyante.

Isa pa sa problema ng DepEd ay ang patuloy na paggamit sa mga eskuwelahan bilang evacuation centers sa panahon ng kalamidad. Dahil walang maayos na evacuation centers, ang mga eskuwelahan ang hantungan ng mga lumilikas. Dahil dito, apektado ang pag-aaral ng mga estudyante. Habang nasa school na ginawang evacuation centers ang mga tao, walang pasok ang mga estudyante.

Nararapat nang magkaroon nang maayos na evacuation centers ang mga taong apektado ng kalamidad upang hindi na magamit ang mga school. Ito ang dapat isagawa ng pamahalaan sa lalong madaling panahon.

Noong Disyembre 6, 2024, nilagdaan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang Ligtas Pinoy Centers Act kung saan magtatayo nang matibay na evacuation centers sa bawat bayan na kumpleto sa pasilidad. Binigyan ng direktiba ng Presidente ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagtatayo ng evacuation centers. Sabi ni Marcos, tiyakin ng DPWH na matatapos sa tamang panahon ang konstraksyon ng evacuation centers at dapat nakasunod ito sa mga pamantayan ng National Building Code.

Ngayong nababalot ng korapsiyon ang DPWH dahil sa flood control projects, may pag-asa pa kayang maipatayo ang mga eskuwelahan? Muli na namang dadalaw ang bagyo, babaha, lilindol, puputok ang bulkan at iba pa. Saan sisilong ang mga apektadong mamamayan? Sa eskuwelahan na naman? Tuparin ng pamahalaan ang pagtatayo ng evacuation centers.

ESKUWELAHAN

EVACUATION CENTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with