Real Talk: Ugali, Emosyon at Buhay
• Magsisimula ang iyong kaligayahan kung ititigil mo ang pagkukumpara ng iyong sarili sa ibang tao.
• Ang taong laging sumasayaw kahit sa isang saglit lang lalo na kung nakakarinig ng tugtugan ay mas mataas ang tiwala sa sarili at madalas na positibo ang pananaw sa buhay.
• Ang mas matatandaan ng ibang tao sa iyo ay hindi ‘yung sinabi mo sa kanya kundi ang ipinadama mo sa kanya.
• Malaki ang pag-asa na matupad ang iyong pangarap kung ito muna ay sasarilinin at ipagsasabi lang kung natupad na.
• Ang pinakaunang humihingi ng paumanhin ay pinakamatapang; ang pinakaunang nagpapatawad ay pinakamalakas at ang pinakaunang lumilimot ng masamang pangyayari ay ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa.
• Hindi mo alam kung gaano kaimportante ang isinusuot mong sapatos. Kadalasan ang mga tao ay dito ibinabase ang kanilang first impression sa ibang tao.
• Ang mga tinedyer ang “misunderstood creatures on earth”. Tinatrato silang mga bata; ngunit inaasahang kumilos ang mga ito ng asal-matanda.
• Ang pagkausap sa sarili ay nakakataas ng concentration at mental recall.
• Ang pakikinig sa musika ng athletes or joggers ay nakakatulong upang mas bumilis pa ang kanilang pagtakbo.
• Kung ang kausap mo ay inilagay ang kanyang hintuturo malapit sa kanyang ilong habang nagsasalita ka, ibig sabihin, hindi siya naniniwala sa iyo.
• Ang problema ay hindi tungkol sa kinakaharap mong problema kundi ‘yung reaksiyon mo doon sa problema.
- Latest



















