^

Punto Mo

‘Bubuyog’ (Part 3)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Nagmamadali ako sa pagbaba sa kaimito para makaiwas sa umaatakeng mga bubuyog na kung tawagin ay tabuan. Subalit dahil sa sobrang dami ng tabuan, kinuyog ako habang bumababa.

May kumagat sa aking mukha, ulo, braso at kamay. Napakasakit!

Ganunman, binilisan ko pa rin ang pagbaba. Nagkasabit-sabit ang paa ko sa mga sanga.

Nagmuntik-muntikang mahulog ako sa pagmamadali. Mabuti at nakakapit ako. Patuloy akong inatake ng mga tabuan. Napakatapang at napakabangis nila.

Nang makababa ako, nagtatakbo ako nang mabilis para makaiwas sa mga tabuan. Pero hindi ako nilubayan ng mga tabuan. Patuloy ang paghabol sa akin. Noon lamang ako nakatakbo nang mabilis sa buong buhay ko. Nagkadapa-dapa ako. Bangon uli. Pero ayaw akong tigilan ng mga tabuan. Galit na galit sa pagsira ko sa kanilang bahay.

Hanggang isang malaking lubluban ng kalabaw ang aking nakita. Pikitmata akong dumayb sa lubluban. Bahala na. ­Kailangang makapagtago ako sa bangis ng tabuan.

(Itutuloy)

BUBUYOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with