^

Punto Mo

‘Bubuyog’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

DAHIL natakawan ako sa pagkuha ng hinog na kaimito, nagpatuloy pa ako sa pagpitas. Ang mga bunga ay nakatago sa malalagong dahon. Inabot ko ang mga sanga na may bunga. Pagkatapos mapitas ay inihahagis ko ang mga bunga sa lupa—sa dakong damuhan para hindi mabasag o masugatan.

Nang abutin ko ang isang bunga na napapaliligiran nang makapal na dahon nagtaka ako sapagkat iba ang pagkakahipo ko rito—matigas at maaligasgas sa palad.

Ganunman, pinitas ko pa rin ang bunga na inaakala kong kaimito. Nahirapan akong mapitas sapagkat makunat. Hindi katulad ng pagpitas ko sa karaniwang kaimito na madaling pitasin o kunin sa tangkay.

Nang makita ko ang napitas na bagay, ganun na lamang ang pagkagulat ko sapagkat hindi yun kaimito kundi bahay ng tabuan—isang uri ng matapang na bubuyog.

Nakita ko na lumabas sa bahay ang maraming bubuyog!

Agad kong inihagis ang bahay ng tabuan subalit huli na ang lahat. Nakalabas na lahat ang mga bubuyog at ako ang hinarap.

Sabay-sabay akong inatake ng mga matatapang na tabuan!

(Itutuloy)

BUNGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with