^

Punto Mo

‘Bubuyog’ (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANGYARI ito noong ako ay nasa high school. Nagkayayaan kaming­ apat na magkakaklase na maligo sa irigasyon na dinadaanan namin. Malinis at malinaw ang tubig. Masarap magtampisaw lalo’t malapit na noon ang summer.

Habang sarap na sarap ang mga kaklase ko sa paliligo, umahon ako at namasyal sa malapit na kakahuyan. Marami kasing namumungang kaimito at gusto kong kumuha. Bukod sa kaimito, mayroon ding puno ng suha roon.

Mas inuna ko ang puno ng kaimito. Paborito ko ang kaimito.

Umakyat ako sa puno. Mababa lang ang kaimito pero hitik na hitik sa bunga. Pawang hinog na ang mga kaimito. Pinitas ko ang mga nakapaligid sa akin. Dahil wala akong lalagyan, inihulog kong isa-isa sa damuhan para hindi mabasag.

Sampung pirasong kaimito ang nakuha ko. Pero hindi pa ako nasiyahan at umakyat pa ako sa dakong mataas para makakuha pa ng mga bunga. Malalaki ang bunga ng kai­mito. Na­ngingintab sa kahi­­nugan ang mga ito. Lalo akong nag­laway nang maabot ang mga bunga.

Pero lingid sa kaalaman ko, hindi pala bunga ng kaimito ang napitas ko kundi bahay ng bubu­yog! (Itutuloy)

BEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with