^

Punto Mo

Motibo sa pagpaslang kay Boss Perry!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

SINO ang makikinabang kapag nawala sa ibabaw ng mundong ito ang negosyanteng si Ceferino “Perry” Mariano? Ang katanungang ito ay umiikot, hindi lang sa Quezon City, kundi maging sa ibang police districts ng NCRPO. Ilang linggo na ng tambangan ng riding-in-tandem sina Boss Perry at ang driver na si Norberto Orimaco, 51 sa Timog Ave. at tuluy-tuloy lang ang follow-up operations ng kapulisan. Ang kainaman lang, nais ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. na airtight ang kaso na isasampa sa korte. Makahinga ng maluwag ang pamilya ni Boss Perry dahil mismong si Nartatez ay nagka-interes na malutas ang kaso. Anong sey n’yo mga kosa?

Itong si Boss Perry ay may tahid na sa Quezon City kung negosyo ang pag-uusapan dahil sa relasyon n’ya sa LGU, sa barangay officials at maging sa kalye. You name it at si Boss Perry ang nilalapitan at kinakausap. Masabi ni Dipuga na media darling itong si Boss Perry dahil maganda ang relasyon nito sa mga kasama ko sa trabaho, at arok ‘yan ni kosang Boss Mon Tulfo. Get’s n’yo mga kosa? Marami ring natulungan itong si Boss Perry sa hanay naming media. Dipugaaaaa!

Sinabi ng mga kosa ko na umunlad ang buhay ni Boss Perry ng s’ya ang management ng Peryahan ng Bayan noong panahon ni Boss Chito. Di ba Boss Reniel? Kung kaya’t kung anu-ano na lang ang ipinundar ni Boss Perry, kasama na d’yan ang mamahaling sasakyan. Subalit, nagsimulang gumuho ang buhay ni Boss Perry nang itayo n’ya ang negosyong Lucky Break sa bilyar, na ang tayaan ay parang sa palarong “jai-alai.” Naglagay s’ya ng TV sa mga bilyaran sa Metro Manila kaya lang hindi ito kinagat ng mga parukyano. Naubos si Boss Perry dahil sa mahal na bayad ng upa sa bilyaran, plus pa ang suweldo ng mga cue artists na inupahan n’ya. Kaya maging ang classmates at kaibigan n’ya ay nautangan ni Boss Perry at sa katunayan, bago pa s’ya ma-ambush marami na ang naghahanap sa kanya. Tsk tsk tsk!

Hindi lang ‘yan! Naging management din si Boss Perry sa palaro ng PCSO na STL. Kaya lang nagsara rin dahil hindi tumataas ang kubransa nito dahil sa sistema ng mga gambling lords na sina Ver Bikol at Pinong na “50-50.” Ang bigay kasi ng STL sa kubrador mga kosa ay 35 porsiyento subalit sa sistema nina Ver Bikol at Pinong, 50 porsiyento ito. Kaya hindi lahat ng kubransa, ay pinapasa ng mga kubrador sa STL dahil itinatawid nila ito kina Ver Bikol at Pinong dahil sayang din ang 15 porsiyento na kita kada araw. Ginamit din si Boss Perry sa 137 na dalawang linggo lang ang itinagal dahil sa sistema din nina Ver Bikol at Pinong. Araguyyyyy! Purbidang yawaahhhhh!

Sa ngayon, may bagong bangka ng STL sa Quezon City at kapag ginamit na muli itong sistema nina Ver Bikol at Pinong, t’yak doon din sa bagsakan sila dadamputin. Kasi nga, ang huling kausap ni Boss Perry ay itong sina Ver Bikol, alyas Jaymar at alyas Alex sa She Gub Yah Rest. May binubuo?  May motibo na kayo mga kosa ha? Abangan!                               

NCRPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with