‘Ice Candy’ (Last Part)
HINDI ako makapaniwala sa nakita. Limang bala ng pana ang nakatusok sa styro box na ipinangtakip ko sa aking mukha para hindi tamaan ng mga pana. Kung hindi sa styro may lamang ice candies baka namatay na ako dahil sa tama ng pana.
Bigla akong napaupo sa lupa. Noon lamang ako nakadama ng takot. Iniligtas ako ng styro box na may ice candies.
Nang mahimasmasan, dahan-dahan akong tumayo. Nakiramdam sa paligid. Wala na nga ang mga nagsagupang grupo. Naghabulan marahil at kung san na nakarating.
Dahan-dahan kong binuhat ang styro box. Gumaan na dahil natunaw na ang ilang ice candy.
Nagsimula akong maglakad. Habang naglalakad, naiisip ko ang mga nangyari. Muntik na akong mamatay.
Nang makarating ako sa bahay, ikinuwento ko kay Inay ang nangyari. Pinayuhan ako na tumigil na sa pagtitinda ng ice candy. Huwag na raw ice candy ang itinda ko. Sinunod ko si Inay.
Hanggang ngayon kapag naaalala ko ang pangyayari, kinikilabutan pa rin ako. Malaki ang utang na loob ko sa ice candies.
- Latest
















