^

Punto Mo

Mga pag-uugali at kilos na may ibig sabihin

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Interesado sa iyong sinasabi ang iyong kausap kapag lumalaki ang pupils ng kanyang mga mata.

• Puwedeng kontrolin ang facial expression para hindi mahalata na may crush ka sa isang tao. Pero ang posisyon ng iyong paa ang magbubuko sa iyo. Ayon kay Vanessa Van Edward, isang behavioural investigator, ang paa ng taong may gusto sa iyo ay hindi sinasadyang napapatutok sa iyo.

• Kung gusto mong pagkatiwalaan ka ng isang kausap kahit hindi ka masyadong kakilala nang personal, magsuot ka ng damit na blue. Sa kulay na blue, nagmumukha kang mapagkakatiwalaan, conservative, may tiwala sa sarili at malinis.

• Kung gusto mong magkaroon ng impresyon ang mga tao na kaya mong mamuno, lagi mong itingala ng bahagya ang iyong ulo habang ikaw ay nagsasalita. Kasi ang taong laging nakatungo ay mabuti lang na tagasunod.

• Ayon sa bagong pag-aaral, may tendency na magsinungaling at mag-ugali nang hindi maganda ang taong pagod. Kaya ang morning people (halimbawa: 8 a,m. to 5 p.m. office employees) ay malaki ang tsansang maging “bad” sa gabi. Ang night owls (call center agents, guwardiya) naman ay nagiging “bad” sa umaga.

• Kung gusto mong pagkatiwalaan ka ng ibang tao, paunahin mo siyang pagsalitain. Paano? Magtanong ka. Sa ganitong paraan, mararamdaman niya na nais mong marinig ang kanyang panig at handa kang unawain siya.

ATTITUDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with