^

Punto Mo

Hindi raw tama ang sahod

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Hindi po ako nabibigyan ng tamang sahod ng aking employer. Maaari po ba akong magreklamo laban sa kanila dahil dito? —Jet

Dear Jet,

Ang sagot sa iyong katanungan ay nakasalalay sa kung ano ang ibig mong sabihin ng “hindi tama” ang iyong sahod. Kung ito ay tumutukoy sa pagbabayad sa iyo ng mas mababa kaysa sa minimum wage o kaya’y hindi ka binibigyan ng overtime pay, holiday pay, night shift differential, at iba pang benepisyong itinakda ng Labor Code, mayroon kang malinaw na batayan para magreklamo. Maaari kang pumunta sa pinakamalapit na tanggapan ng NLRC o ng DOLE upang magsampa ng reklamo.

Gayundin, kung may sinasabi ang employment contract mo sa kung ano dapat ang iyong sahod at hindi ito sinusunod ng iyong employer, maaari mo rin silang ihabla para sa hindi nila pagtupad sa inyong napagkasunduan.

Ngunit kung ang iyong employer ay sumusunod naman sa minimum wage at sa lahat ng itinakda ng Labor Code, at ang iyong reklamo ukol sa iyong sahod ay batay lamang sa iyong paniniwala na dapat ay mas mataas ito base sa natatanggap ng iba sa iyong industriya o base sa iyong inaasahan, mahirap sabihin na may paglabag ang employer. Tanging ang minimum wage lamang ang itinakda ng batas. Ang sahod na lampas sa minimum ay karaniwang base sa napagkasunduan ng employer at ng empleyado noong hiring process, samantalang ang pagtaas nito ay batay rin lamang sa employment contract o company policy.

Sa madaling sabi, kung may paglabag sa labor standards o sa iyong kontrata ukol sa halagang iyong sinasahod, mayroon kang kaso. Kung wala naman, ang pinakamainam na gawin, bukod sa paghahanap ng ibang trabaho na may mas malaking suweldo, ay ang makipag-usap nang direkta sa iyong employer at ipahayag ang iyong kahilingan para sa pagtaas ng sahod.????????

SAHOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with