^

Punto Mo

Flocerfida (377)

Ronnie Halos - Pang-masa

“HINDI na ako aalis dito—gusto ko sa piling na ni Kikoy hanggang sa wakas,” sabi ni Malou.

Biglang nagsalita si Kikoy.

“Gusto ko ngang pakasalan na si Malou para maging opisyal na ang pagsasama namin.”

Hindi makapaniwala si Malou sa narinig kay Kikoy.

“Totoo ba ang sinabi mo Kikoy?” tanong nito.

“Oo—pakakasalan kita.”

Napaluha si Malou. Nagbabanta ang pag-iyak dahil sa sinabi ni Kikoy.

“O huwag ka nang iiyak at baka pati kami e mapaiyak din.”

“Binigla mo kasi ako—hindi ko akalain na balak mo pala akong pakasalan.”

“Napamahal ka nang labis sa akin dahil maski rito sa San Pablo ay pinuntahan mo ako. Kahit alam mong maysakit ako at mahirap pa sa daga ay hindi mo inalintana—ipinakita mong mahal na mahal mo ako.”

Tuluyan nang napaiyak si Malou.

“O bago tayo magkaiyakang lahat, ipagpatuloy natin ang pagkain. Lalamig ang mga ulam at sabaw. Kain na tayo at pagkatapos saka natin pag-usapan ang kasal.”

Ipinagpatuloy nila ang pagkain. Masayang-masaya sila habang kumakakain.

Pero kung mayroon mang tao na pinakamasaya sa oras na iyon, walang iba kundi si Malou. Ngayon lang siya nakadama ng tunay na pagmamahal at hinandugan pa siya ng kasal. Ngayon lang may lalaki na nagpahalaga sa kanya. Kaya hindi talaga niya mapigilang mapaiyak. Maligayang-maligaya siya.

(Itutuloy)

MALOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with