'Ice Candy'
Part 1
NASA elementary pa lamang ako (Grade 6) ay nagtitinda na ako ng ice candy. Paglabas ko ng aming klase sa tanghali ako nagtitinda. Kumikita ako at iyon ang ginagamit ko para makabili ng gamit sa school at binibigyan ko pa ng baon ang kapatid kong babae. Dahil sa pagtitinda ng ice candy ay natutulungan ko ang aking nanay. Si Nanay na lang kasi ang nagtataguyod sa aming magkapatid mula nang mamatay si Tatay dahil sa sakit.
Nagtitinda ng gulay at prutas sa palengke si Nanay. Paglabas ng aking bunsong kapatid sa school ay tinutulunan niya si Nanay sa pagtitinda. Ako naman ay deretso na sa pabrika ng ice candy para kumuha ng paninda.
Isang styro box ang kinalalagyan ng ice candies. Nasa 100 piraso ang tinitinda ko. Habang naglalakad ay sumisigaw ako ng “Ice candy! Ice candy!” Mabigat ang 100 ice candies. Malalaki ang ice candy noong dekada 70. Ang flavor na tinitinda ko ay mango, buko, abokado, grapes at strawberry. Pinakamabenta ang abocado at mango.
Mabilis kong naibebenta ang 100 piraso ng ice candies.
(Itutuloy)
- Latest




















