Welch’s: Ang grape juice na nagsimula sa komunyon
ANG Welch’s ay inimbento noong 1869 ni Dr. Thomas Bramwell Welch, isang British na doktor, dentista, at Methodist minister sa Vineland. Nagsimula lamang ito bilang kahalili sa alak na ginagamit sa simbahan.
1. Bilang ministro, sinusuportahan niya ang pagbabawal ng kanilang simbahan sa paggawa, pagbebenta, at pagbili ng mga nakalalasing na inumin. Dahil dito, naisip niyang palitan ng grape juice ang alak na ginagamit sa komunyon tuwing church service. Dahil maraming ubas sa kanilang lugar, siya mismo ang nagkakatas nito ilang oras bago magsimula ang pagsamba.
2. Hindi siya makapag-imbak ng grape juice nang matagal dahil mabilis itong mag-ferment at maging alak. Noon, malaking suliranin ang pagpapanatiling sariwa ng katas ng ubas nang hindi ito nagiging wine.
3. Upang mapadali ang kanyang gawain, ginamit niya ang pasteurization method, isang proseso ng pag-init ng juice upang mapigilan ang fermentation. Dahil dito, mas tumagal ang grape juice at hindi ito agad nasisira. Kalaunan, maging ang ibang simbahan ay sa kanya na rin bumibili ng grape juice para sa komunyon.
4. Noong 1893, opisyal na pinangalanan ang produkto bilang Welch’s. Sa paglipas ng panahon, lumawak pa ang kanilang produkto at nagsimula silang gumawa ng jelly, jam, at iba pang produktong mula sa dark Concord grapes.
5. Si Charles Welch, anak ni Dr. Welch, ang tumulong upang mapalago ang negosyo. Siya ang nagpasikat ng grape juice bilang inuming pampamilya at hindi lamang pangsimbahan.
6. Naging tanyag ang Welch’s sa buong Amerika dahil sa kampanya laban sa alak noong huling bahagi ng 1800s at unang bahagi ng 1900s. Maraming mamamayan noon ang naghahanap ng alternatibong inumin na hindi nakalalasing.
7. Hanggang sa kasalukuyan, kilala pa rin ang Welch’s bilang isa sa mga pinakasikat na grape juice sa mundo at ipinagbibili sa maraming bansa.
- Latest


















