^

Punto Mo

‘Paniki’ (Part 9)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Edi bukas, tuloy ang pamamasyal natin?” tanong ni Joey sa aming dalawa ni Diana.

Si Diana ang sumagot, “Oo. Hindi na uuwi si Sandra. Marami tayong mapupuntahan bukas.”

“Sigurado ‘yun. Kami na ang bahala sa sasakyan at sa mga babauning pagkain. Huwag na kayong mamroblema. Sagot ni Albert lahat yan, este kami palang tatlo!”

“Magdadala rin kami. Nakakahiya naman sa inyo,’’ sabi ni Diana.

“Susunduin namin kayo ng 7:00 a.m. Mabuti ang maaga para hindi pa masyadong mainit,” sabi ni Joey.

“Sige. Nakahanda na kami pagdating n’yo,’’ sagot ni Diana.

“Okey. Tiyak na magiging masaya tayo bukas—lalo na si Albert,” sabi ni Joey at nagtawa.

Nakitawa na rin sina Diana at Greg.

Hiyang-hiya naman si Albert na nakatitig sa akin.

“Uy nagkulay rosas ang pisngi ni Sandra ah!” sabi ni Joey. “Bakit kaya?” sabi pa nito at nagtawa.

Nakitawa sina Diana at Greg.

KINAGABIHAN, nang matutulog na kami ni Diana, tinanong niya ako.

“Bakit biglang nagbago ang plano mo Sandra? Hindi ka na ba talaga uuwi? At bakit bigla kang naging matapang sa paniki?”

“Dahil kay Albert.”

Gulat na gulat si Diana sa sagot ko. (Itutuloy)

BAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with