Dahil kay Sara mga sangkot sa ghost projects nalimot na!
ISYU ng impeachment ni VP Sara dahil sa korapsyon ang umagaw sa nakakasukang usapin ng bilyones na halaga ng ghost projects na kinasangkutan ng maraming mga kongresista. Usapin ng nakawan na iniimbestigahan sa bulwagan ng mga magnanakaw? Araykupuu!
Pinatibay ng testimonya nina Ramil Madriaga at dating Sen. Antonio Trillanes ang mga bintang na kinasangkutang korapsyon ni VP Sara mula sa panunungkulan nito bilang Mayor ng Davao City, Secretary of Education at Vice President. Dating political ally ni VP Sara si Madriaga na binembang ni Harry Roque na ngayon ay naglalagalag sa takot na maaresto dahil sa isyu ng landgrabbing sa Bataan. Atcheeng uwi ka na.
Ayon naman kay HOR Justice Committee Chairwoman Cong. Bitrics Luistro, mahaba-haba pa ang lalakbayin ng kaso mula HOR hanggang Senado. Kailan naman kaya lalakbayin ng ilan sa kanila ang kulungan dahil sa kinasangkutang ghost projects?
Lumaki ang problema ng kampo ni VP Sara dahil sa pagkakaugnay ng isang Sammy Uy sa buong pamilya ni Digong Duterte kabilang ang mag-inang Honeylet Avance? at Kitty Duterte. Nagbibigay diumano ng milyones na salapi na direktang idinideposito sa bangko ng pamilya ni Digong at Sara. Aba’y dapat idemanda ni Sammy Uy si Trillanes kung hindi totoo ang sinasabi nito. Wakanga!
Naging malaking bahagi ng mga nangyayaring sigalutan sa panig ni PBBM at VP Sara ang naunang pambubuska ni Digong kay PBBM sa isang prayer rally nang ipagsigawan ni Digong na “bangag” ang presidente natin. Nakangising nanonood pa noon si Ate Imee Marcos. Dito ay nabuhayan ng loob si Trillanes dahil may kakampi na siya.
May mga haka-haka naman na parte lang ito ng malawakang counter attact propaganda ng kampo ni PBBM ang nangyayari dahil sa panlalait ng mag-amang Digong at VP Sara kay PBBM.
- Latest















