^

Punto Mo

Ang pusa sa fire station

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SA isang bayan sa Bicol, may isang maliit na fire station na hindi lalampas sa sampu ang bumbero. Ang korte ng building nila sa aerial view ay mukhang letter “L” o korteng baril. Ang likod ng building ay bangin. Wala man lang bundok sa likod na puwedeng suporta. Ang sabi ng matatanda, kapag ang building ay korteng baril or letter L, ang epekto sa mga taong nagtatrabaho doon ay mag-iintrigahan o laging mag-aaway. Ang epekto ng building na nasa bingit ng bangin ay magiging malapit sa aksidente at walang suportang matatanggap sa mga nakatataas.

Ang katwiran ng mga bumbero, wala silang magagawa kung anuman ang magiging epekto ng masamang Feng Shui ng kanilang building. Buti sana kung sarili nilang pamamahay iyon na puwede nilang ayusin. Sa isip nila, bahala na si Lord sa kanila.

Isang araw ay may pusang tumambay sa istasyon. Malaki ang tiyan. Ilang araw na pahila-hilata lang doon sa isang sulok malapit sa lagayan nila ng bota. Kapag may natirang pagkain ang mga bumbero ay ipinakakain nila ito sa pusa. Nawili ang buntis na pusa. Hindi na umalis sa istasyon hanggang sa nanganak ito ng tatlong kuting.

Ang inahing pusa at mga anak nito ay tumagal ng ilang taon sa istasyon. Ang inahin ay dalawang beses nasagasaan ng traysikel pero hindi naman nito ikinamatay. Napilayan lang ito. Nag-ambagan ang mga bumbero para ipagamot ang inahin sa veterinarian. Isa na lang ang natira sa kanyang tatlong anak dahil ang isa ay basta na lang namatay. Ang isa naman ay nasagasaan ng jeep at namatay din.

Ang paniwala ng mga bumbero ay sinalo ng mga pusa ang masamang kapalaran na dulot ng masamang Feng Shui ng building. Natuwa sila nang mabuntis na naman ang inahing pusa. Mainam na marami ang hayop sa kanilang building na sasangga sa bad energy na papasok dito.

BUMBERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with