^

Punto Mo

Mamuhay kagaya ng wolves

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAY paboritong kasabihan ang matatandang nakatira sa Ireland kung saan maraming wolves: Mamuhay kayo ng kagaya ng mga wolves. Bakit kaya? Anong mabuting leksiyon ang matututunan ng tao mula sa wolves?

• Namumuhay ang wolves kasama ang kanilang “packs” o barkada na binubuo 20 wolves. Wala silang iwanan hanggang kamatayan.

• Hindi sila kumakain ng bangkay. Ang kinakain nila ay fresh at bagong katay.

• Hindi sila nakikipagtalik sa kanilang ina o kapatid na babae.

• Sa isang babae lang sila nakikipagtalik habang sila ay nabubuhay. Kung tutuusin ay mas daig nila ang mga tao sa pagiging loyal sa kanilang asawa.

• Kapag namatay ang kanilang asawa, sila ay mga tatlong buwan hanggang isang taon na nagluluksa. Sila ‘yung umaalulong sa gabi upang ilabas ang kanilang kalungkutan.

• Ang lalaking wolf ay tinatawag na “righteous son” dahil kapag tumanda na ang kanilang ama’t ina siya na lang ang naghahanap ng pagkain para sa mga ito. Kadalasan ay namamahinga na lang ang matatandang magulang sa kanilang tirahan sa gubat.

• Mga lalaki ang naghahanap ng pagkain kasama ang kanyang “packs”. Ang mga babae ay  naiiwan sa tirahan para alagaan ang mga anak.

• Para silang mga tao na nananatili ang pagtutulungan sa buong komunidad.

Konklusyon: Sa kabuuan, ang pamumuhay ng wolves ay nagpapakita ng mahahalagang aral na maaaring tularan ng tao. Ipinakikita nila ang kahalagahan ng pagkakaisa, katapatan, respeto sa pamilya, at malasakit sa kapwa. Sa isang mundong puno ng pagbabago at pagsubok, mahalaga na manatili tayong matatag kasama ang ating “pack” o ang ating pamilya at komunidad. Kung matututo tayong pahalagahan ang relasyon, maging tapat, at tumulong sa isa’t isa, mas magiging maayos at makabuluhan ang ating pamumuhay. Tulad ng wolves, ang tunay na lakas ay hindi lamang nasusukat sa kakayahan ng isang indibidwal, kundi sa tibay ng samahan ng buong grupo.

WOLVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with