^

Punto Mo

‘Paniki’ (Part 7)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

MASAYA ang aming pagkukuwentuhan. Palabiro sina Joey, Albert at Greg. Si Joey ay tubong Mindoro at sa Maynila nag-aaral. Kaibigan niya sina Albert at Greg. Magkakasama sila sa boarding house. Ipinagsama niya sina Albert at Greg para makita ang kagandahan ng Mindoro. Parang nagkakatulad ang kuwento namin na ipinagsama naman ako ni Diana para magbakasyon sa probinsiya.

Habang nagkukuwento si Joey ay pasulyap-sulyap sa akin si Albert. Nahuhuli ko ang sulyap niya at nagkakangitian kami. Guwapo si Albert at mukhang mabait.

“Hanggang kailan ang bakasyon mo rito, Sandra?” tanong  ni Joey.

Si Diana ang sumagot.

“Uuwi na siya bukas. Kasi natatakot yata sa mga paniki. Marami kasing paniki na naglalabasan kapag palubog na ang araw. May pumapasok nga sa loob ng bahay kaya natatakot si Sandra. Gusto na niyang umuwi.”

“Totoo ba Sandra, uuwi ka na? Sayang naman, marami pang papasyalan dito sa amin,” sabi ni Joey. “Yayayain pa naman sana namin kayo ni Diana sa resthouse namin sa kabilang barangay. Kasama natin sina Albert at Greg.”

“Ano Sandra, uuwi ka ba bukas?” tanong ni Diana.

“Ha? A e hindi na muna Diana.”

“Hindi ka na takot sa paniki?”

Hindi ako nakasagot. (Itutuloy)

BAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with