Flocerfida (371)
“ANONG napag-usapan ninyo ni Dang, Kikoy?” tanong ni Malou. “Handa ba si Ericko sa negosyo na popondohan ko?”
“Uuwi sina Dang at Ericko, next month. Bakasyon na nila. Ilalahad daw ni Ericko ang mga gagawin sa pagbubukas ng negosyo.”
“Mabuti naman at uuwi sila. Gusto kong malaman kung magkano ang ilalabas kong pera para sa juice drink.
“Huwag kang mainip at darating tayo diyan.”
“Gusto ko rin kasing makita kung anong klase ang mga juice na ininegosyo natin. Nasa plastic bottle ba siya o sa glass?”
“Nasa plastic—parang softdrinks.”
“Ah. Hindi kaya maganda kung sa glass para madaling palamigin?”
“Mas mura raw ang nasa plastic kaysa glass.”
“Ganun ba? Pero para sa akin, mas maganda kung glass. Ako ang bahala sa pagpapagawa ng glass. Makakadagdag ng sarap ng juice kung nasa glass na lalagyan.
“Excited na ako Kikoy!”
Ako rin. Gusto na ring makita si Ericko.”
LUMIPAS ang isang buwan. Dumating sina Dang at Ericko sa San Pablo. Marami silang dalang kahon na naglalaman ng juice.
(Itutuloy)
- Latest

















