^

Punto Mo

‘Ambisyon mataas, isyu mas mataas’

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

SA pulitika sa Pilipinas, may mga pangalang ayaw mawala sa eksena kahit ilang beses nang tinanggihan ng resulta. Parang teleseryeng laos pilit pa ring pinapalabas.

Ngayon, usap-usapan na naman si Mike Defensor, target diumano ang Senado sa 2028, dikit sa kampo ni Sara Duterte. Pero sa kanto, simple ang tanong “Boss, bakit pa?”

Balikan ang 2022, ang resulta ng Kyusi eleksyon hindi ‘yon simpleng talo kay Mighty Mike. Malinaw na rejection. Hindi tsamba, hindi malas. Hatol ‘yon ng tao. At ang hatol ng publiko, hindi nabubura ng endorsement.

Habang may planong comeback, may mas mabigat na isyung hindi puwedeng iwasan. Ipinasara sa Pasig City government, ang isang hotel na inuugnay sa pamilya niya matapos madawit sa seryosong alegasyon ng human trafficking at prostitusyon. Noong Abril 21, sinalakay ito ng NBI. Hindi tsismis ahensiya ng gobyerno ang kumilos.

Wala pang hatol, oo. May due process. Pero sa ganitong bigat ng alegasyon, hindi sapat ang katahimikan. Sa mata ng publiko, ang pag-iwas may kahulugan.

Dati, pangalan sapat na. Ngayon, hindi na. Ang tanong may paninindigan ka ba? May sagot ka ba?

Sa pulitika, may second chance. Pero kung babalik ka na may dalang isyung hindi malinaw, hindi na ‘yan comeback ulit lang ng lumang eksena.

Hindi lang kapit ang labanan sa Senado. Kredibilidad ‘yan. At ‘yan ang ngayon ay sinusubok. Kung malinis ka, lalabas. Kung hindi lalabas din.

Disclaimer: Ang artikulong ito ay opinyon batay sa mga ulat na nasa pampublikong domain. Ang mga alegasyon ay hindi pa napatutunayan sa korte at saklaw ng due process at presumption of innocence. Layunin nitong maglahad ng pananaw, hindi manira ng reputasyon.

POLITIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with