^

Punto Mo

‘Paniki’ (Part 4)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAY dahilang matakot ako sa mga paniki dahil talaga namang nakakatakot ang itsura ng mga ito. Parang sa tingin ko ay mukha ng demonyo ang mga paniki. At isa pa, lagi kong naiisip na kapag pumasok daw sa bahay ang paniki ay mayroong mamamatay.

At sa loob ng ilang araw kong pamamalagi sa bahay ng kaibigan kong si Diana?, maraming beses kong nakita ang pagpasok sa bintana ng paniki tuwing lulubog ang araw.

At ang pinagtataka ko pa, hindi ko nakikitang lumalabas ang mga paniki. Ibig sabihin, buong magkamag ay nasa loob ng bahay ang mga ito.

Paano kung nagtatago pala sa kuwarto ang paniki at habang kami ay natutulog ay palipad-lipad sa buong bahay? Paano kung dumapo sa akin habang ako ay natutulog?

Kaya palaging mababaw ang tulog ko dahil sa pag-iisip sa maaring mangyari dahil sa kagagawan ng paniki.

Nahalata ni Diana ang pagkabalisa ko. Tinanong ako.

“Parang hindi ka mapakali? Parang may kinatatakutan ka?”

Sinabi ko ang dahilan.

“Sige, uuwi na tayo bukas sa Maynila,” pasya ni Diana.

(Itutuloy)

BAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with