‘Paniki’ (Part 1)
NANGYARI ito noong ako ay nasa fourth year na sa kolehiyo. Isinama ako sa probinsiya ng kasamahan sa boarding house na si Diana. Taga-Oriental Mindoro si Diana.
Ipinagmamalaki sa akin ni Diana ang malilinis na ilog sa kanilang barangay. Sa sobrang linaw daw ng ilog ay makikita ang mga bato at pati isda. Naaalagaan daw ang mga ilog sa kanilang lugar kaya napanatili ang kalinisan at pagiging malinaw ng tubig.
“Sana makapunta ako sa inyo sa Mindoro para makita ko ang sinasabi mong malinis at napakalinaw na ilog,” sabi ko kay Diana. Matagal na kaming magkaibigan ni Diana. Iisang unibersidad ang pinag-aaralan namin. Kumukuha siya ng Commerce samantalang ako ay Engineering.
“Sumama ka sa akin sa summer para makita mo ang sinasabi ko. Mag-e-enjoy ka sa aming probinsiya, Sandra.”
“Sige, Diana sa summer sasama ako sa’yo.”
“Pangako ‘yan ha? Baka pagdating ng summer, mag-backout ka.”
“Hindi sasama ako sa’yo. Gusto kong makapaligo sa malinaw at malinis na ilog.”
(Itutuloy)
- Latest




















