Halu-halong katotohanan ng buhay
April 26, 2026 | 12:00am
- Ang tumatatak sa ating memorya ay 90 percent ng ating ginawa; 50 percent ng ating nakita at 10 percent ng ating narinig.
- Sa pamamagitan ng halik ay nalalaman natin kung sino ang totoo nating minamahal. Malaking factor din ang pakikipaghalikan upang manatiling in love ang magkarelasyon.
- Kung natatandaan mo nang malinaw ang iyong napanaginipan, hindi lang iyon panaginip kundi may nakapaloob na mensahe.
- Kung ang friendship ay tumagal ng higit sa 7 taon, indikasyon na habang buhay ang inyong pagkakaibigan.
- Kung ang isang babae ay mas lalong nag-bloom ang personalidad pagkatapos ng break-up, malinaw na ang lalaki ang problema sa relasyon.
- Ayon sa psychology, ang “nicest people” ay madalas na napagkakamalang masungit sa unang pagkikilala.
- Ang sabi ng mga magulang, mahuhulaan daw nila kung ang anak ay may karelasyon kapag ngumingiti habang nakatingin sa cellphone.
- Mabilis magalit ang isang tao kapag kulang na siya sa tulog, ay kulang pa rin siya sa kain.
- Ang isang bagay sa mundong ito na mapapasaiyo nang walang kahirap-hirap ay ang pagtanda.
- Sa trabaho, ang tao ay laging nag-uumpisa sa ibaba. Ang tanging trabaho na nag-uumpisa sa itaas ay ang tagahukay ng libingan.
- Hindi solusyon sa problema ang pag-inom ng alak, pero, hindi rin ang pag-inom ng gatas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
















