Flocerfida (364)
“SI Dang lang ang lumipat, Malou. Ako nagtungo na rito sa San Pablo para rito magpagaling. Mas gusto ko ang simoy ng hangin dito,’’ sabi ni Kikoy na pinanindigan na ang unang sinabi na nagkasakit nang malubha.
“Ano nga pala ang sakit mo, Kikoy?”
“TB. Pagkatapos niyon nagkakumplikasyon ako sa pneumonia. Matagal ako sa ospital. Dun naubos ang naipon ko. Buti na lang at may naiwang pera ang papa ni Dang—tinulungan ako sa pagpapagamot. Awa ng Diyos, nakakarekober na.”
“Namayat ka nga Kikoy. Dati ang laki at ang tigas ng braso mo. Pati dibdib mo, ang laki rin. Bakit namayat ka nang todo?”
Nag-isip kasi ako kung ano ang mangyayari sa akin kapag wala na akong magastos. Baka iwan ako ni Dang—siyempre magkakaroon siya nang sariling pamilya.”
“A masyado kang nangamba at nagkaroon ng anxiety?”
“Oo, Malou.”
“Teka, balikan natin ang nangyari sa iyo pagkatapos kang pagtangkaan ni Mr. Co?
“Binigyan ako nang maraming pera ng manyakis na si Co para hindi na ako mag-ingay pa.”
“Magkano ang binigay?”
“Nasa P10-M.”
“Ang laki, Malou! Milyonarya ka pala.”
(Itutuloy)
- Latest















