‘Nail Cutter’ (Part 7)
HINDI ako nakatulog ng gabing iyon at iniisip ang nail cutter na aking nabili sa Manfouha. Malakas ang kutob ko na hindi pangkaraniwang nail cutter lamang? ang nabili ko maaring antique at malaki ang halaga.
Nagkaroon ako ng konklusyon na nagkamali ang may-ari sa pagbebenta ng nail cutter. Maaring naisama niya ang antique sa iba pang gamit nang magbenta ng gamit sa Manfouha.
Baka ang nail cutter ay pag-aari nang mayamang Arabo. Baka ipinasadya pa niya ang nail cutter kaya gold. Malaking halaga marahil dahil mabigat.
Nag-imagine na ako. Ilang libong riyal kaya ang halaga? Yaaman ako kung maibebenta nang malaki ang nail cutter.
Pero kinabahan din ako. Paano kung ang may-ari ng nail cutter ay prinsipe o prinsesa? Baka mapagbintangan akong ninakaw ang nail cutter. Delikado. Naisip ko: isauli ko kaya?
Pero malakas ang bulong sa isip ko: huwag ko raw isoli.
Ipinasya kong isangguni sa isang kaibigan ang tungkol sa nail cutter. Kinausap ko si Melchor. Matagal nang empleyado si Melchor at una kong naging kaibigan sa kompanya.
(Itutuloy)
- Latest




















