^

Punto Mo

Tips para hindi ihi nang ihi sa gabi

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Iwasan ang alak.

2. Huwag iinom ng kahit anong inumin tatlong oras bago matulog.

3. Ang pag-inom ng tubig o kahit na anong likido ay gawin sa araw.

4. Iwasang kumain ng sobrang sitsirya o anumang salty foods sa kahit anong oras sa maghapon.

5. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa potassium kagaya ng saging, melon, pakwan, avocado, oranges, papaya, spinach, kamote, patatas, kamatis, broccoli, chicken, salmon, beans, gatas, yogurt. Mas mainam kung kakainin ito sa araw at hindi sa gabi.

6. Bawasan ang pag-inom ng kape. Ang caffeine ay may mild diuretic effect, ibig sabihin pinapabilis nito ang paggawa ng ihi ng kidneys. Kaya mapapansin mo na mas madalas kang naiihi pagkatapos uminom ng kape.

7. Bawasan ang pagkain ng carbohydrates at sugar, may epekto ang carbohydrates at sugar sa pag-ihi, pero hindi ibig sabihin na direkta kang “paiihiin” agad gaya ng kape. Ganito siya gumagana: a) Kung sobra ang sugar (halimbawa sa matatamis o refined carbs), tataas ang blood sugar. Kapag hindi na kayang i-handle ng katawan, ilalabas ito sa ihi, kasama ang tubig. b) Lahat ng carbs (kanin, tinapay, pasta) ay nagiging glucose sa katawan. Kapag sobra ang intake, parang sa sugar din ang epekto: posibleng mapadalas ang pag-ihi, lalo na kung hindi balanced ang pagkain.

8. Iwasang kumain sa hapunan ng pagkaing mayaman sa protina kagaya ng lahat ng klase ng karne, yogurt, milk, cheese, beans. Normal lang na mas madalas kang umihi kung high-protein ang diet mo. Hindi ito delikado kung sapat ang iniinom mong tubig.

9. Nakakatulong ang vitamin B1 at magnesium para maiwasan ang madalas na pag-ihi sa gabi. Supportive lang ito at hindi pangunahing lunas. Makukuha ang vitamin B1 sa tuna, eggs, brown rice, tofu, spinach. Magnesium: saging, avocado, dark chocolate, pumpkin seeds.

CR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with