^

Punto Mo

‘Nail cutter’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Pang-masa

NAG-ABROAD ako—sa Saudi—makaraan ang ilang taong pagtatrabaho sa isang kompanya ng gatas. Sa isang malaking dairy company rin ako nakapagtrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia. Malaki ang suweldo ko. Dahil binata, mabilis akong nakapag-ipon. Regular ko ring pinadadalhan ng pera ang aking matatanda nang mga magulang. Kahit mga pensiyonado na ang aking papa at mama, ay hindi ko sila kinalilimutang padalhan ng pera. Ipinangako ko iyon sa kanila bago ako umalis patungong Saudi. Napaiyak pa nga si Mama. Nagbiro pa ito na baka raw pagdating ko sa Saudi ay ang pagkolekta pa rin ng nail cutter ang atupagin ko.

Nagtawa lamang ako sa sinabi ni Mama pero sa isip ko, ganun talaga ang gagawin ko—mangulekta ng nail cutter.

Nalaman ko, magaganda raw ang nail cutter sa
Saudi.

Isang buwan makaraang dumating sa Riyadh, sinimulan ko na ang pangungulekta ng nail cutter.

Sa Batha na kilalang lugar sa Riyadh na tambayan ng mga OFW, ginalugad ko ang mga tindahan. Marami ngang nail cutter sa mga tindahan sa Batha subalit walang ipinagkaiba sa mga nakolekta kong nail cutter sa Pinas.

Nalibot ko halos lahat ng tindahan sa Batha subalit wala akong nagustuhan. Ganunman, nagpatuloy pa rin ako sa paghahanap. May ilan akong nabili sa tindahan ng mga Pakistani o Pakoy sa silong ng Batha Hotel pero hindi ako satisfied.

Hanggang may makapagsabi sa akin na may isang lugar sa Riyadh na bilihan ng mga second hand na gamit kabilang ang nail cutter.

Ang lugar ay Mamfouha. (Itutuloy)

NAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with