^

Punto Mo

‘Tagpi’ (Part 9)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

BIGLANG bumunot ng balisong ang lalaking nakikipagtalo kay Tatay at akmang sasaksakin ito.

Pero mas mabilis ang pagkilos ni Tagpi na noon ay nasa tabi ni Tatay. Kinagat ang kanang kamay ng lalaki na may hawak na balisong. Sa tindi ng kagat ay nabitawan ng lalaki ang balisong at nagtatakbo ito palayo.

Pero hindi siya tinantanan ni Tagpi at hinabol pa rin ito. Nang abutan ay kinagat sa hita at binti.

Humingi ng saklolo ang lalaki at nagmakaawa na sawayin na ang pag-atake ni Tagpi. Suko na raw siya.

Saka lamang lumapit si Tatay at sinaway si Tagpi. Nilubayan ni Tagpi ang lalaki. Dumating ang mga barangay tanod at inaresto ang lalaki. Nagmakaawa ito na dalhin sa ospital para gamutin sa mga kagat ni Tagpi. Natakot sa rabies na taglay ni Tagpi.

Kinasuhan ang lalaki ng tangkang pagpatay kay Tatay.

Lalong napamahal sa amin si Tagpi. Ilang beses na niyang inililigtas ang aming buhay sa kapahamakan. (Itutuloy)

KNIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with