^

Punto Mo

Ismagler sa Aduana, empleyado ng BOC?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Maraming pagbabago ang isinulong ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno sa kanyang ahensiya para labanan ang illegal smuggling at mukhang tamang landas naman ang tinatahak n’ya. Sa ginawang ito ni Boss Ariel, makakakalap ng bilyones na taxes ang BOC. Alam n’yo naman mga kosa kung gaano ­kasalimuot ang tentacles nitong mga smuggling syndicates na nag-o-operate sa Aduana. Pero dahil kay Nepomuceno, nabawasan ang bagsik nila. Kaya lang kung sa biglang tingin napaganda ni Boss Ariel ang income generating ng BOC, ang tanong ng mga kosa ko bakit maraming top officials ng Customs ang nagre-resign? Abayyyyy, ano kaya ang kasagutan dito ni Boss Ariel? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang unang nag-resign sa ilalim ng liderato ni Nepomuceno ay itong si Deputy Commissioner for Internal Administration na si Michael Cristobal Fermin. Ang dahilan ni Fermin sa kanyang resignation letter ay “personal and security reasons.” Hindi pa nasabi ng mga kosa ko kung sino itong bagong BOC official na nag-resign. Ang pagdidiin lang n’ya “top official” ito. T’yak may sey dito ang illegal smuggling? Ewan ko no? Baka si Boss Ariel ay may alam sa rason kung bakit ang alipores n’ya ay nag-resign. Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ano nga ba ang nagtulak sa bagong opisyal ng BOC para siya bumitiw sa puwesto? ‘Yan ang tanong. Kaya lang, ang umiikot na usap-usapan sa Aduana na ang kanyang resignation ay bunsod sa talamak na ilegal ismagling na ‘di umano’y kinasasangkutan ng kanyang mismong mga kasama sa loob ng ahensiya. Tsk tsk tsk! Totoo kaya ito? Ayon sa isang insider, hindi niya kinaya ang diumano’y protector ng mga ismaglers ay mismong taga-BOC. Purbidang yawaahhhhh! Imbes na seryosong ipatupad ang kampanya ni Boss Ariel laban sa illegal smuggling eh ang taga-BOC mismo ang nasa likod ng pagnanakaw sa kaban ng gobyerno? Anong sey ni Boss Ariel sa akusasyon na ito? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kung sabagay, dekada na problema sa Aduana itong illegal smuggling at wala pang matandaan ang mga kosa ko kung sino ang Custom’s Commissioner na nagtagumpay na magupo ito. Si Boss Ariel kaya? Maraming programa na inilatag si Boss Ariel sa BOC para mapadali ang pagpalabas ng mga kargamento matapos nilang magbayad ng taxes. Itong delay sa pagpalabas ng kargamento ang palaging inirereklamo ng mga negosyante, ‘di ba mga kosa? Kaya naguguluhan ang mga kosa ko kung nasa tamang direksiyon itong si Boss Ariel, bakit may mga opisyal pa na nagre-resign? Ano ba ‘yan? Dapat imbestigahan ni Boss Ariel ang report na ito, bago masira ang mga magagandang programa n’ya. “Wag kumurap mga kosa! Abangan!

CUSTOMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with