^

Punto Mo

Bakit hindi dapat magpuyat ang mga bata?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Ang mga batang natutulog pagkatapos ng alas-9 ng gabi ay may panganib na makaranas ng problema sa konsentrasyon at pagiging sobrang malikot (hyperactivity).

2. Ang pinakamataas na level ng growth hormones ay inilalabas lamang bago mag-alas-9 ng gabi kapag malalim na ang tulog.

3. Ang batang kulang sa tulog ay mas madaling mainis, umiyak, o mag-tantrums. Maaari rin silang maging iritable o magkaroon ng mood swings.

4. Ang sapat na tulog ay tumutulong sa paglaban sa sakit. Ang mga batang laging puyat ay mas madaling magkasakit.

5. Kapag inaantok, bumabagal ang reflexes at pag-iisip. Mas mataas ang risk ng aksidente, lalo na sa paglalaro o pag-aaral.

6. Ang pagpupuyat ay kadalasang nauugnay sa sobrang paggamit ng gadgets, na maaaring makaapekto rin sa mata, postura, at overall health.

7. Ilang oras na tulog ang kailangan? 6–12 years old: 9–12 oras; Teens: 8–10 oras.

8. Ang maagang tulog ay nagreresulta sa mas maagang paggising na hindi pagod. Mas alerto sila sa klase, mas mabilis mag-isip, at mas active sa activities.

9. Mas mahimbing ang tulog sa unang bahagi ng gabi. Kung maaga natutulog ang bata, mas marami silang nakukuhang deep sleep na mahalaga sa brain at body recovery.

10. Kapag maagang natutulog, nasasanay ang katawan sa natural na “oras ng pahinga” at “oras ng gising.” Mas nagiging regular ang tulog at gising nila, kaya mas healthy ang routine.

BATA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with