^

Punto Mo

Flocerfida (350)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MISS na miss ko na si Kikoy, Dang. Sana mapaunlakan niya ang kahilingan ko na makita siya,’’ sabi ni Malou na gumagaralgal ang boses.

“Hindi ako nanga­ngako na pauunlakan niya ang kahilingan mo Malou dahil nga nakakaawa na ang hitsura niya—payat na payat na siya at tila wala nang pag-asa na gagaling pa.”

“Naniniwala ako na papayag si Kikoy, Dang. Sasabihin ko sa kanya na ako ang mag-aalaga sa kanya. Sasamahan ko siya kahit saang lugar. Hindi ko siya iiwan. Ipakikita ko sa kanya at ipadarama kung gaano siya kahalaga sa akin.”

“Bakit ngayon mo lang siya hinanap? ‘Di ba dapat noon pang nag-resign siya sa trabaho?” tanong ni Ericko.

“Noon ko pa talaga siya hinanap. Subalit hindi ko siya matagpuan. Nagtanung-tanong na ako sa dating tirahan nila sa Lardizabal St. pero walang makapagsabi. Minsan ko na siyang sinundan pero biglang nawala. Nahalata marahil na sinusundan ko siya.”

“Ikaw din ba ang umaaligid  sa aming bahay tuwing gabi? May mga tao akong nakita na pilit umaakyat sa pader at sa gate,” tanong ni Dang.

“Hindi ako, Dang.”

“Wala kang inutusang mga tao para umakyat sa aming gate?”

“Wala. Bakit ko naman gagawin yun?”

Nagkatinginan sina Dang at Ericko.

Nagsasabi nga yata ng totoo si Malou.

(Itutuloy)

DANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with