^

Punto Mo

‘Tagpi’ (Part 6)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG malakas na agos ng tubig ang tumangay sa akin. Wala akong nagawa kahit na nilabanan ko ang agos. Sinikap kong kumapit sa mga halaman na nasa pampang subalit nabunot ang mga iyon at natangay ako.

Nagsisigaw ako para makatawag ng pansin. Subalit tila ba walang lumalabas na boses sa bibig ko.

Lumubog-lumitaw ako sa tubig. Nakainom ako ng tubig. Sinikap kong magpalutang subalit hindi kaya ng katawan ko. Namamanhid na ang mga hita ko at binti. Hindi ko na maigalaw ang mga iyon.

Gusto ko nang sumuko. Wala na akong lakas para lumaban sa mabangis na agos. Bumibigay na ang binti ko habang papalapit sa malalim na parte ng ilog. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa tubig. Nanghihina na ako.

Bago ako nawalan ng malay, narinig ko ang tahol ni Tagpi sa pampang. Hanggang makita ko na mayroon siyang tangay na bagin na singlaki ng braso.

Sa isang iglap, tumalon sa ilog si Tagpi. Eksakto ang bagsak niya sa harapan ko. Mabilis kong nakuha sa kanyang bibig ang bagin. Humawak ako nang mahigpit sa bagin para hindi tangayin ng agos.

(Itutuloy)

ASO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with