Ang bulong na ayaw mamatay
NOONG una’y hindi niya iniintindi ang bulung-bulungan na may relasyon daw ang kanyang mister sa kanilang kapitbahay na may asawa rin. Dalawang taon ang lumipas, aba, lalong naging mainit ang balita tungkol sa dalawa. Isang umaga ay nagising siya (literally and figuratively) na wala na sa kanyang tabi ang kanyang mister at sulat na lang ang iniwan sa kanya. Yes, inamin ng kanyang mister sa sulat ang totoo na may relasyon sila ng kapitbahay at naipasya nilang magsama na. Noon niya napatunayan na ang tsismis na hindi mamatay-matay ay may bahid ng katotohanan.
May isang babae, na may edad na ang naisipang mag-asawa. Isang engineer ang napangasawa nito. Palibhasa’y last trip na kaya ‘di na niya kinilala ng lubos ang lalaki. Hindi pa sila ikinakasal ay naririnig na niya ang tsismis na bakla raw ang kanyang boyfriend. Pero bakit kapag magkasama sila ay lalaking-lalaki ito? Magkaganoon pa man ay nagpakasal siya sa lalaki. Nagpatuloy ang bading issue sa kanyang mister kahit naipanganak na niya ang kanyang panganay. Minsan, halos panawan siya ng ulirat nang mahuli niya ang kanyang mister na nakikipaghalikan sa kasama nitong lalaki na ang pakilala sa kanya ay best friend nito. Naghiwalay sila pero ang maganda, best friend sila ngayon ng kanyang ex-husband na bading.
- Latest















