PRO NIR, pahinga muna sa pagsabog ng Mt. Kanlaon!
MATAGUMPAY ang ikinasang seguridad ni PRO NIR ni director Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay hindi lang sa Holy Week, kundi maging sa summer vacation. Kahit tapos na ang Holy Week, iniutos ni Ibay na mapanatili ang red alert status ng pulisya upang maging ligtas, maayos at mapayapa ang kanyang hurisdiksiyon. “We call on the public to remain vigilant and cooperate with authorities as we work together in safeguarding our communities,” ang panawagan ni Ibay.
Kung sabagay, umabot sa 1,000 kapulisan ang ikinalat ni Ibay sa mga simbahan, transport terminals, major thoroughfares sa Negros Islands at Siquijor para masiguro ang seguridad ng mga Pinoy. Kasama rin sa mga binantayan ang tourist destinations, beaches at resorts, commercial centers at iba pang places of convergence. Eh di wow!
Hindi lang naman ang seguridad ng Holy Week at summer vacation ang pinagkaabalahan ni Ibay kundi kasama rin ang paghahabol ng mga kriminal. Mula Marso 28 hanggang Abril 3, na masabing Women’s Month, pinag-ibayong anti-criminality efforts ang ipinatupad sa Negros Islands. Nagsagawa ang mga tauhan ni Ibay ng 56 anti-illegal drugs operation na nagresulta sa pagkaaresto ng 50 katao, at pagkumpiska ng 300.36 gramo ng shabu na nagkakahalagang P2 milyon.
Sa illegal gambling, 29 operations ang ikinasa at 100 katao ang naitapon sa likod ng rehas na bakal, samantalang tatlong illegal fishing ang ginawa at pito ang arestado. May 44 wanted persons ang nadale, 12 loose firearms ang nabawi at 30 ang isinuko. Umabot sa 4,203 lumabag sa ordinansiya ang nahuli rin. Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!
Sa pagselebra ng Women’s Month, nagsagawa ng iba’t-ibang programa ang NIR at kasama na rito ang All-Female Tri-Gun challenge kung saan ipinakita ng mga babaeng pulis ang kanilang tactical skills, resilience at operational readiness.
Samantala, binigyan parangal din ni Ibay ang mga babaeng pulis na nagpakita ng exemplary service at leadership sa isinagawang Women’s Gala Night. Bumisita din ito sa Women and Children Protection Center upang palakasin ang PRO NIR’s “advocacy for gender-responsive and victim-sensitive policing.” Get’s n’yo mga kosa?
Tungkol naman sa deployment of Ligtas SUMVAC 2026, itinaas ni Ibay ang police visibility, rapid response capability, effective crowd management, public assistance at safety monitoring. Kaakibat dito ni Ibay ang iba pang ahensiya ng gobyerno. Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na operations, empowered personnel at proactive security measures, sisiguruhin ng PRO NIR na ang kapayapaan at katahimikan ay mapanatili sa buong Negros Island Region. Saan ka pa? Anong sey nyo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Teka, teka! Mukhang pahinga muna ang PRO NIR sa pagsabog ng bulkang Kanlaon ah! Abangan!
- Latest

















