‘Tagpi’ (Part 3)
NAPAKALAMBING ni Tagpi. Kapag oras na ng labas namin sa school ng kapatid kong si Brent ay nakaabang na si Tagpi sa may gate. Hindi siya umaalis doon. Kapag nakita niya kaming dumarating na ay walang tigil sa pagtahol. Wala ring tigil sa pagtakbo sa loob ng bakuran. Masayang-masaya si Tagpi.
Kapag Sabado na wala kaming pasok sa school ay kasama namin ng kapatid kong si Brent sa paghuli ng dalag sa palayan. Kapag nabungkal na ang pagtatamnan ng palay ay nagsisilabasan ang mga dalag at hito sa mga nabungkal na lupa.
At eksperto si Tagpi sa paghuli ng dalag at hito. Kabisado niya ang lupa na may nagtatagong dalag o hito.
Aamuy-amuyin muna ni Tagpi ang nabungkal na lupa at saka niya kakagkagin ito. Ilang sandal pa at tatambad na ang dalag at hito. Hindi kinakagat ni Tagpi ang dalag o hito kundi tinatakpan lang ng kanyang mga paa. Dahil sa diin ng kanyang mga paa, hindi makahulagpos ang isda.
Isang Sabado, kasama uli namin si Tagpi sa panghuhuli ng dalag at hito.
Hanggang isang malaking tipak ng lupa ang kanyang kinagkag. Pero sa halip na isda, kobra pala ang laman ng lupa. (Itutuloy)
- Latest















