^

Punto Mo

Mangiling muna sa panahon ng Cuaresma

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

KRISTIYANO ang mas nakararaming bilang nating mga Pilipino na nabibilang sa iba’t ibang relihiyon pero ang pinakamalaki ay ang Simbahang Katoliko. Mas marami ang naniniwala sa Santisima Trinidad at ang Panginoong Hesukristo na kinikilala natin na Anak ng Diyos Ama ang tagapagligtas at Diyos na nagkatawang tao lamang.

Nang dahil sa pulitika at korapsyon na kumulapol sa gobyerno ay may nasasabit na mga kilalang lider ng simbahang kristiyano na lumahok sa pulitika at nasasangkot sa pangungu­rakot sa kaban ng bayan.

Naging tampulan ng kritisismo ang pangungutya ni Digong sa mga kaparian at Diyos na kinikilala ng mga katoliko na itinaon pa sa panahon ng Covid-19 pandemic kung kailan nagsimula ang bilyones na transaksyon sa Pharmally na kaakibat ang kahina-hinalang korapsyon sa DBM. Pinagbabayaran na nga ba ni Digong ito ngayon?

Naging makinarya na rin sa pulitika ang ilan sa grupo ng relihiyon na ang pamunuan ay nagamit na rin para humikayat sa mga miyembro nila kung sino ang iboboto. Alam naman nila na ang karamihan sa muli’t-muli nilang tinutulungan ay nasasangkot na sa katiwalian. Kademonyohan na ‘yan!

Wala man tayong maaasahan sa mga pulitikong naisanla na ang kaluluwa sa impiyerno ay umasa pa rin tayong may natitira pa sa kanilang nakakakilala ng Diyos.

Maging ang social media ay nagagamit na rin para magbalita ng kasinungalingan sa mamamayan. Troll farms personnel na ang intensyon ay lituhin ang sambayanan. Trabaho ni ‘taning ‘yan!

Marapat lamang na sa panahon ng cuaresma ay magnilay at pangibabawin ang kapayapaan sa isip, sa salita at sa gawa. Isantabi muna ang pulitika at magkaisa muna ang lahat ng Pilipino na manalangin na magwakas na ang nakaambang malawakang krisis sa langis bunga ng hidwaan ng Iran at Israel. Nakaamba na ang gutom, sakit at mas malalang kaguluhan.

Ipagdasal natin ang mga buhay na bayani nating mga OFWs.

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with