Flocerfida (342)
MAKALIPAS ang ilang araw, nagbago ang pasya ni Dang kaugnay sa gagawin ni Ericko kay Malou.
“Huwag mo nang kausapin ang mga kaibigan mo, Ericko para maturuan ng leksiyon si Malou.”
“Anong balak mo, Dang?”
“Kumprontahin na lang natin kapag nahuli sa akto. Malakas ang kutob ko na susundan uli ako ni Malou. Kapag sinundan niya ako, saka natin harapin para mapahiya. Tingnan natin kung ano ang sasabihin o ikakatwiran niya at lagi akong sinusundan.”
“May katwiran ka, Dang. Dapat talagang malaman natin kung ano ang dahilan at ayaw ka niyang tigilan. Kailangang makatiyak tayo kung may balak ba siyang masama. Baka naman, talaga lang malaki ang pagkakagusto niya kay Tito Kikoy.”
“Malalaman natin ang lahat kapag nahuli natin siya sa akto,” sabi ni Dang.
KINABUKASAN, sinimulan na nina Dang at Ericko ang pagbitag kay Malou. (Itutuloy)
- Latest




















