‘Pitaka’ (Last Part)
“Nagbunga ang pagiging matapat mo Kuya—tama ang karma.”
“Oo Tessa. Pero alam mo, natutukso na akong huwag isauli ang pera dahil lubhang kailangan natin. Magbabayad ka ng tuition fees at magbabayad din tayo ng renta sa bahay.”
“Mabuti at hindi ka nagpadala sa tukso, Kuya. Kung hindi, malaki sana ang pagsisisihan mo.”
“Oo nga. Akalain mo bang ang may-ari ng pitaka ay ang general manager ng kompanyang pinag-aaplayan ko.”
“Talagang dapat sa lahat ng oras ay ang kabutihan ang pairalin. Hindi dapat maging mapaghangad. Kailangang isauli ang hindi pag-aari.”
“Tama Kuya.”
Naging maayos ang buhay naming magkapatid mula nang mapasok ako sa kompanya ni Mr. Garce. Napagtapos ko sa pag-aaral si Tessa at may trabaho na. Nakabili kami ng condo unit.
Hanggang sa ma-promote ako at lalo pang naging maayos ang buhay namin. Ang lahat ng tinatamasa naming kaginhawahan sa buhay ay dahil sa “pitaka” na aking napulot.
- Latest


















