Flocerfida (339)
PAGDATING ni Dang galing sa school ay tinawagan niya si Tito Kikoy. Ikinuwento niya ang nangyari na isang babae ang bumuntot sa kanya habang patungo sa unibersidad at malaki ang kutob niya na si Malou iyon.
“May itsura ba si Malou, Tito? Maputi at sexy?”
“Oo. Medyo may itsura. Maputi siya.”
“Si Malou nga ang sumusubaybay sa akin.”
“Mabuti at hindi ka nakita?”
“Nagtago ako sa likod ng eskaparate. Akala ko nga makikita ako dahil iniisa-isa ang mga nasa loob ng store.”
“Mag-ingat ka Dang. Palagay ko desperada na ang babaing yun. Talagang gusto niyang nakawin ang mga alahas mo.’’
“Ang ipingtataka ko Tito, paano niya nalaman na ako si Dang? Bakit alam na alam niya ang oras ng pagpasok ko sa school.”
“Baka noon ka pa sinu-surveillance ni Malou.”
“Talagang hindi niya malimutan ang aking mga alahas.”
“Kasalanan ko rin naman kasi kung bakit ipinagyabang ko pa sa kanya na marami pa akong alahas. Sana hindi ako naging madaldal.”
“Tapos na yun Tito. Huwag mo nang sisihin ang sarili. Basta ang mahalaga, maingatan ko ang mga alahas. Hindi ako dapat maging kampante kahit alam kong safe sa bahay ni Ericko.”
(Itutuloy)
- Latest




















