‘Pitaka’ (Part 10)
“MABUTI at ikaw ang nakapulot ng pitaka ko,” sabi ni Mr. Garces sa akin. “Kung iba ang nakapulot, baka itinapon na ang pitaka matapos kunin ang pera. Utang na loob ko sa’yo ang pagkakasauli ng pitaka ko. Hindi ko malilimutan ang ginawa mo. Ngayong, kabilang ka na sa kompanya, naniniwala ako na nasa mabuting kamay ito. Ang mga kabataang tulad mo ang dapat na maging pinuno ng kompanya.”
“Marami pong salamat, Mr. Garce.”
“Mula ngayong araw na ito, kabilang ka na sa kompanya.”
“Salamat, sir.”
Nang umuwi ako sa bahay kinahapunan, nakaabang na ang kapatid kong si Tessa.
“Anong balita, Kuya?”
“Tanggap na ako! Magsisimula ako bukas.”
“Talaga Kuya?”
“Oo.”
Ikinuwento ko kay Tessa ang mga nangyari pati ang tungkol sa pitaka na aking napulot.
(Itutuloy)
- Latest















