^

Punto Mo

‘Pitaka’ (Part 9)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANG kailangan ko sa kompanya ay ang katulad mong may mabubuting puso na hindi naghahangad ng pag-aari ng iba sa kabila na may pinagdadaanang kakapusan sa buhay. Kahit puwede mong kunin ang pera sa pitaka at gastusin, hindi mo iyon ginawa. Napanatili mo ang kabutihang loob. At naniniwala ako na kapag ikaw ang aking pinili na maging empleyado ng kompanya, nakasisiguro ako na nasa mabuting kamay ito. Bihira na ang katulad mo na may busilak na kalooban.”

“Salamat po, Mr. Garce.”

“Bukas, maari ka nang magsimula.”

“Salamat po uli.”

“Magpapasalamat din ako sa’yo at naibalik ang pitaka ko. Alam mo bang napakaraming mahahalagang bagay ang nasa pitakang ito? Narito ang lumang love letter namin ng misis ko. Mula nang mamatay si Misis ilang buwan na ang nakararaan ay itinago ko na rito sa wallet ang love letter. Napakahalaga sa akin ng love letter. Kaya nang mawala ang pitaka ko, parang nawalan ng saysay ang mundo ko,” sabi ni Mr. Garce at nakita kong maluluha siya. Parang gusto ko na ring mapaluha dahil sa kinuwento niya.

(Itutuloy)

KARANASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with