Psychological facts sa pag-uugali ng tao
1. Mas naaalala ng utak ang negatibo kaysa positibo.Tinatawag ito na negativity bias. Mas tumatatak sa isip natin ang masasamang karanasan kaysa sa magaganda, kaya minsan parang mas maraming problema kaysa saya.
2. Madalas tayong mag-overthink sa iniisip ng iba tungkol sa atin. Karamihan ng tao ay abala rin sa sarili nilang iniisip, kaya ang katotohanan, hindi nila gaanong pinapansin ang mga mali mo.
3. Ang katawan at emosyon ay magkaugnay. Kapag ngumiti ka kahit pilit, puwedeng gumaan ang pakiramdam mo. Ito ay dahil sa konsepto ng facial feedback hypothesis.
4. Kapag kulang sa tulog, mas emosyonal ka. Ang kakulangan sa tulog ay nakakaapekto sa control ng emosyon, kaya mas madaling magalit, mairita, o malungkot.
5. Mas naniniwala tayo sa inuulit-ulit. Kung paulit-ulit mong naririnig ang isang ideya, mas nagmumukha itong totoo, tinatawag itong illusory truth effect.
6. Naiimpluwensyahan tayo ng grupo. Madalas tayong sumunod sa ginagawa ng karamihan kahit mali, dahil sa conformity.
7. Hindi laging tama ang memorya natin. Ang alaala ay puwedeng mabago o madagdagan sa paglipas ng panahon, hindi ito parang video recording.
8. Mas malakas ang epekto ng body language kaysa salita. Minsan, mas pinaniniwalaan ng tao ang kilos at ekspresyon kaysa sa sinasabi mo.
9. Mas nahihirapan tayong magbago ng paniniwala. Kapag may matibay na paniniwala ang isang tao, kahit may ebidensya na, mahirap pa rin itong baguhin.
10. Hinahanap ng utak ang “pattern” kahit wala. Ang utak natin ay parang “pattern” detector. Halimbawa, nakakita ng hugis sa ulap. Parang may mukha, hayop, o kung ano. Tapos pilit mong hahanapan ito ng koneksiyon o kahulugan kahit wala naming ibig sabihin. Sa totoo lang, random lang talaga ang hugis ng ulap.
- Latest


















