^

Punto Mo

‘Pitaka’ (Part 8)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

PINIPILIT kong alalahanin kung saan nabasa ang pangalang TOMAS GARCE subalit hindi ko matandaan.

Tensiyunado marahil ako dahil kaharap na ang manedyer ng kompanya.

Sinimulan na akong tanungin ng manedyer na si Mr. Garce.

Nasagot ko naman nang maayos ang mga tanong niya.

Nang matapos ang interbyu, saka ko biglang naalala na TOMAS GARCE ang may-ari ng pitaka na napulot ko.

Pasimple kong kinapa sa bulsa ang pitaka.

Maaring siya ang may-ari dahil natatandaan ko ang pangalan ng kompanyang nakasaad sa calling card.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Tinanong ko ang manedyer.

“Mr. Garce Sir, meron ka po bang nawalang pitaka?”

Hindi agad nakasagot si Mr. Garce. Nag-isip muna ng ilang segundo.

“Meron. Bakit mo naitanong?”

“Meron po kasi akong napulot na pitaka, kamakalawa ng tanghali sa Makati Avenue. Nung una po, naghangad ako sa laman ng pitaka dahil malaki ang maitutulong sa akin at sa kapatid ko. Pero nang mabasa ko ang pangalan mo, nagbago ang isip ko. Hindi ko kayang gastusin ang perang hindi sa akin.”

Dinukot ko sa bulsa ang pitaka at iniabot kay Mr. Garce.

Hindi makapaniwala si Mr. Garce. Nakatingin lamang sa pitaka.

Ang sumunod na sinabi ni Mr. Garce ang hindi ko inaasahan.

“Hired ka na. Ikaw ang kailangan ko sa kompanya.”

Ako naman ang hindi makapaniwala.

(Itutuloy)

KARANASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with