^

Punto Mo

‘Pitaka’ (Part 6)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Kinabukasan, maaga akong gumising. Naligo at kumain ng agahan. Nagbihis nang ma­ayos—long sleeves at black pants. Kailangang de­sente ang dating­ dahil iinterbyuhin ako ng mana­ger ng kompanya na nasa Makati Ave­nue.

“Sana matanggap ka na Kuya, sabi ng kapatid kong si Tessa.”
“Ipagdasal mong matanggap ako.”

“Oo Kuya.”

“Kapag natanggap ako, makakabayad ka na sa tuition at maka­kabili ka pa ng damit.”

“Sana nga Kuya.”
Bago umalis, isinilid ko sa bulsa ang pitaka na aking napulot. Para bang may nag-uutos sa akin na dalhin ang pitaka.

Pagdating ko sa kompanya, marami nang nakaupo para interbyuhin ng manager. Halos mapuno na ang waiting room sa dami ng aplikante. Nakakuha ako ng upuan. Habang nakaupo, sinasalat ko ang pitaka sa aking bulsa. Ingat na ingat ako at baka mawala ang pitaka na may P10,000!

(Itutuloy)

PITAKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with