^

Punto Mo

Pinilit pumirma ng quitclaim

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Paano po kung pinilit lang ako na pumirma ng quitclaim para ma-release ang aking separation pay? May habol pa ba ako kung sa aking tingin ay kulang ang natanggap kong separation? —June

Dear June,

Kung hindi sapat ang natanggap mong separation pay, may karapatan kang habulin ang kulang. Hindi naman basta-basta kinikilala sa ilalim ng batas ang mga quitclaim lalo na kung ito ay pinirmahan sa pagitan ng mga partido na hindi pantay ang katayuan, katulad sa sitwasyon ng isang kompanya at empleyado nito.

May bisa lang ang quitclaim kung mapapatunayan na ito ay (1) boluntaryong ginawa o pinirmahan ng empleyado; (2) wala itong bahid ng panlilinlang o panloloko mula sa anumang panig, mapa-employer man o empleyado; (3) ang konsiderasyon o ang kapalit para  sa pagpirma ng quitclaim ay sapat at makatwiran; at (4) hindi ito labag sa batas, sa pampublikong kaayusan, sa moralidad, o sa karapatan ng ibang tao [Goodrich Manufacturing Corp. v. Ativo, 625 Phil. 102, 107 (2010)].

Kaya kung sakaling kulang talaga ang ibinigay sa iyong separation pay, hindi magiging hadlang ang quitclaim na pinirmahan mo sa pagsasampa ng reklamo, dahil nga para magkaroon ng bisa ang isang quitclaim ay dapat na hindi ito labag sa batas o sa karapatan ng ibang tao.

Malinaw ang batas kung magkano ang dapat matanggap na separation pay ng isang ­empleyado. Kung kulang ang iyong natanggap ay masasabing walang bisa ang quitclaim na iyong pinirmahan at hindi ito magagamit na depensa ng kompanya para itanggi ang kakulangan nila sa pagbabayad ng iyong separation pay.

SEPARATION PAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with