^

Punto Mo

Lalaki nakaranas ng brain hemorrhage matapos sumakay sa roller coaster!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

IBINAHAGI ng 40-anyos na lalaki sa Taiwan ang kanyang karanasan matapos siyang ma-diagnose ng brain hemorrhage ilang buwan matapos sumakay sa isang high-speed roller coaster sa Ferrari World Abu Dhabi.

Ayon sa kanyang kuwento sa social media, nakaramdam siya ng pagkahilo matapos ang ride, ngunit hindi niya ito pinansin sa pag-aakalang pansamantala lamang. Pagbalik niya sa Taiwan, nakaranas siya ng paulit-ulit na pananakit ng ulo sa loob ng ilang buwan hanggang sa bigla siyang bumagsak at isinugod sa ospital. Doon, natuklasang mayroon siyang pagdurugo sa utak at kinailangang operahan.

Ayon sa mga doktor, posibleng may kaugnayan ang matinding galaw at puwersang nararanasan sa mga roller coaster sa ganitong uri ng kondisyon. Gayunman, binibigyang-diin ng mga eksperto na bihira ang ganitong kaso at kadalasang may kaakibat na iba pang risk factors tulad ng mataas na blood pressure, pag-inom ng blood thinners, o dati nang kahinaan sa mga ugat sa utak.

Ipinaliwanag din na habang tumatanda ang isang tao, maaaring magkaroon ng bahagyang pagbabago sa istruktura ng utak na maaaring magpataas ng sensitivity nito sa matitinding galaw. Ngunit wala umanong pangkalahatang rekomendasyon na nagbabawal sa mga nasa edad 40 pataas na sumakay sa mga ganitong rides kung sila ay malusog.

May ilang ulat din ng ibang indibidwal na nakaranas ng problema sa mata at balanse matapos sumakay sa mga extreme rides, lalo na sa mga may mataas na grado ng mata o pre-existing na kondisyon sa taynga.

Paalala ng mga eksperto, mahalagang isaalang-alang ang sariling kalusugan bago sumakay sa matitinding amusement rides. Kung may nararamdamang kakaibang sintomas tulad nang matinding sakit ng ulo, pagkahilo, o pagbabago sa paningin matapos ang ride, agad na kumunsulta sa doktor.

 

BRAIN HEMORRHAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with