^

Punto Mo

‘Pitaka’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANGINGINIG ang kamay ko nang damputin ang pitaka. Sunud-sunod ang tambol ng dibdib ko. Mabigat ang wallet. Halatang maraming­ laman. Nagpalinga-linga ako sa pa­ligid. Walang tao. Walang nakakita sa akin sa pagpulot ng pitaka.

Isinilid ko sa bulsa ang pitaka. Nag­lakad ako sa kahabaan ng Makati Ave­nue. Sa totoo lang wala akong alam kung saan pupunta dahil abala ang aking isip sa napulot na pitaka.

Iniimadyin ko na maraming laman na pera ang pitaka. Malulutong na perang papel. Tamang-tama dahil wala na kaming panggastos ng kapatid ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko pinansin ang mainit na sikat ng araw. Mas nakatuon ang aking isip sa pitaka na nasa aking bulsa.

Nang makarating ako sa Buendia, sumakay ako ng dyip patungong JP Rizal. At mula J.P Rizal, sumakay ako ng bus patungong Quiapo.

Gusto ko nang ma­kauwi sa aming tirahan para malaman ang laman ng pitaka na napulot ko.

(Itutuloy)

PITAKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with