‘Balon’ (Last Part)
“HINDI mo nakita ang mukha nang nagligtas sa iyo sa balon?’’ tanong ni Tatay.
“Hindi po dahil nanghihina na ako. Nawalan ako ng malay.”
“Ano ang natandaan mo bukod sa matangkad ang nagligtas sa iyo?”
“Puti ang suot niya Tatay—putimputi!”
“Bukod dun, ano pa?”
“Wala na akong matandaan.”
“May pakpak?”
Nag-isip ako.
“Hindi ko matandaan Tatay.”
“Kasi, maraming nalagas na puting balahibo sa may bunganga ng balon. Pati sa spot na kinatagpuan namin sa iyo.”
“Ano pong balahibo, Tatay.”
“Puting balahibo na galing sa pakpak.”
Nag-isip ako. Bakit nagkaroon ng balahibo roon? Wala naman akong matandaan na may pakpak ang nagligtas sa akin. Naging malaking palaisipan sa akin iyon.
LUMIPAS ang mga taon, nang ako ay binata na, saka ko nalaman kina Tatay at Nanay na ang nagligtas sa akin sa balon ay ang aking anghel de la guardia. Ang mga nalagas na balahibo ay nagmula sa pakpak ng aking tagapagbantay na anghel. Siya ang nagligtas sa akin sa malalim na balon.
- Latest















