10 patakaran sa buhay
1. Huwag kang maging masyadong mabait, baka abusuhin ka nila.
2. Huwag kang maging sobrang matulungin na baka sa kalaunan ay tratuhin ka nilang parang kasangkapan.
3. Huwag kang maging sobrang mabait na nakakalimutan na nila ang iyong halaga.
4. Huwag maging sobrang loyal, na hindi mo na makita ang mga naghuhumiyaw na red flags.
5. Huwag masyadong mapagpatawad kaya nawiwiling ulit-ulitin ang parehong mga pagkakamali.
6. Huwag ka laging manahimik para huwag nilang isipin na mahina ka.
7. Huwag maging sobrang tapat sa mga taong sinungaling naman.
8. Huwag maging sobrang bukas na pumasok sa buhay mo ang mga taong may maruming paa. Maging maingat sa pagbibigay ng tiwala sa ibang tao. Ang “maruming paa” ay simbolo ng negatibong impluwensya o masasamang asal. Ito yung mga taong magdadala sa iyo ng problema, stress, o kasamaan sa iyong buhay kung papapasukin mo sila nang walang ingat.
9. Huwag kang maging sobrang mapagbigay. Kapag sobrang ibinibigay mo ang lahat: oras, pagmamahal, tulong, maaaring mag-assume ang iba na palaging nandiyan ka at hindi ka mawawala. Dahil dito, hindi nila pinapahalagahan ang presensya mo.
10. Huwag hayaang masira ang iyong kapayapaan para sa iba. Alalahanin na mahalaga ang iyong mental health. Kung may mga tao o sitwasyon na paulit-ulit na nagdudulot ng stress, galit, o negatibong damdamin, matutong magtakda ng hangganan at lumayo kapag kinakailangan.
- Latest















