^

Punto Mo

‘Balon’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

TUWANG-TUWA ako nang makakita ng isang malaking tumpok na tuyong damo at dahon. Doon ako nagtago.

Pero pagtapak ko sa tumpok ng damo, dere-deretso akong nahulog. Putik ang aking binagsakan. Mabuti na lang at putik ang binagsakan ko kung hindi ay baka nabalian ako ng binti.

Nang tumingala ako, saka ko nalaman na balon ang aking binagsakan. Isang lumang balon na walang tubig. Ang pader ng balon ay bricks na halatang ginawa noon pang panahon ng Spaniards. Naisip ko na ang may-ari marahil ng nagibang bahay ay isang Kastila.

Sinubukan kong umakyat sa pamamagitan ng pagtuntong sa bricks pero madulas. Maraming lumot ang bricks.

Sinubukan kong sumigaw subalit tila hindi makalabas sa balon ang aking tinig.

Sumandal ako sa nilulumot na bricks.

Siguro kapag nalaman ng aking mga kalaro na nawawala ako, hahanapin ako.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakasandal sa bricks. Hanggang may maramdaman akong humawak sa aking braso.

(Itutuloy)

KARANASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with