Japanese beauty secrets
• Layering ng Skincare (Hindi isang makapal na cream lang): Sa Japanese skincare, maraming manipis na layers ang ginagamit kaysa isang makapal na produkto. Halimbawa: toner - essence - serum - cream. Mas madaling ma-absorb ng balat ang manipis na layers.
• Gamit ng Lotion Mask: Isang cotton pad na binabasa ng toner o lotion at inilalagay sa mukha ng 3–5 minutes. Nakakatulong itong magbigay ng instant hydration.
• Facial Massage araw-araw: Maraming Japanese ang gumagawa ng gentle facial massage habang nag-aapply ng skincare para ma-improve ang blood circulation at mabawasan ang puffiness.
• Pag-inom ng Green Tea: Ang Green tea ay mayaman sa antioxidants na tumutulong laban sa skin aging at inflammation.
• Pagligo gamit ang maligamgam na tubig :Sa Japan, karaniwan ang paliligo gamit ang maligamgam na tubig bago matulog. Nakakatulong ito sa circulation at relaxation na nagreresulta sa mas glowing na balat.
• Rice Water para sa Mukha: Matagal nang ginagamit sa Japan ang tubig na pinagbanlawan ng bigas bilang facial rinse. May vitamins at minerals ito na nakakatulong sa pagpapakinis ng balat.
• Minimal Makeup: Mas pinapahalagahan nila ang healthy skin kaysa makapal na makeup. Kaya focus sila sa skincare kaysa pagtatakip ng imperfections.
• Sun Protection kahit nasa loob ng bahay: Ang sunscreen ay ginagamit araw-araw, kahit maulap o nasa loob ng bahay para • maiwasan ang premature aging.
• Pagkain ng Collagen-rich foods :Mahilig ang Japanese sa pagkain ng collagen-rich foods tulad ng Bone broth at Fish, na nakakatulong sa skin elasticity.
• Consistency kaysa mahal na produkto :Hindi kailangan ng sobrang mahal na skincare. Ang sikreto nila ay regular at consistent na routine araw-araw.
- Latest




















